18 April 2011

Cinderella, a Duwendina’s Story

Kahit ako hindi ko iniisip na mangyayari sa kasalukuyan ang kwento ni Cinderella.  That story happened mga two years ago yata if I’m not mistaken.  Kakatapos ko lang mag dinner noon at patulog na ako nang may biglang kumatok sa aking pintuan.  Akala ko booking ko iyon alam mo naman ang Ate ninyo ay kuridas din so marami ng suki kumbaga.  Pero tag init na iyon eh so parang grabe naman siguro ang init at pumasok na ito sa katawan ng mga regulars kong mga katutubo.  Nang buksan ko ang pintuan, nalolokah ako si Duwendina pala pinagpawisan at isa na lang ang suot na tsinelas.
“Duwendina, anong nangyari sa iyo? Bakit isang pares na lang ang tsinelas na suot mo?”.
“Malolokah na Neng grabe”.  Sagot ni Duwendina.  Pinapasok ko na lang rin siya sa bahay ko at iyon na nga nag start na siya ng kwento.
Ang bakla pala ay may nakilala sa Badoo na Saudi na super gwapo.  Taga Aqrabiyah ito at siempre weakness ni Duwendina kasi kalbo at maputi.  Kwento ni bakla ay from Tamimi Safeway daw sa Aqrabiyah ay sumakay siya sa katutubo na pogi at dinala siya sa residential area.  Kaso nag stop daw ito sa isang sulok at may na pick up na dalawa pang mga katutubo pero puro mga pangit isang ulikba at isang obese.  “Okay naman sana Neng kaso binabastos ako”.  Dagdag pa ni Duwendina.  “Pagbigyan ko naman sana sila kung nice lang sila kahit pangit pa”.  Si Duwendina.
Bago daw dumating sa isang bahay ay nilalamutak yong dede niya at kung anong kabastusan ang ginawa sa kanya ni Ulikba at ni Obese.  Nang mag park na ang kotse na drive ni Cutie, since sa front seat siya naka upo, bigla na lang siyang nagpumiglas.  Kaso nahawakan pa ni Obese yong kamay niya at namantal ito pero nagpumiglas pa siya.  Finally, nakatakbo siya palayo sa kotse.  Ang problema naiwan niya ang kanyang tsinelas.  Hindi na iya ito binalikan kasi kung babalikan niya pa baka maabutan pa siya ng mga katutubong mga bastos.
Tumakbo siya papuntang isang construction site at mabuti na lang merong mga Itik doon. So drama si Duwendina na may mga bastos daw na mga Saudi na humahabol sa kanya.  Buti na lang pinotektahan siya ng mga itik.  Nang maka tiempo ay sumakay na siya ng taxi pabalik sa Tamimi Safeway Aqrabiyah.  Doon din kasi naka park ang kanyang kotse at deadma lang si Duwendina kahit na pinagtitinginan siya ng mga tao na isa lang ang tsinela na kanyang suot.  Sa awa ng Diyos, nakabalik siya sa aming building sa Al Khobar, na iisa lang ang tsinelas.
Iyon ang kwento ni Cinderella, a Duwendina’s story.

1 comment:

Lifestyle Blogs - BlogCatalog Blog Directory