Nasa office ako noon kasi dami kong nire reconcile na mga ek-ek kasi nga Accountant ang Ate nyo. At ka officemate ko itong si Chabiris. So most of the time tsikahan kami kasi wala naman siyang ginagawa kasi nga isa siyang kalihim. Alam nyo naman ang mga kalihim, pag walang boss, walang trabaho. Ang amo nya yatang Michael Jordan (Jordanian) ay palaging wala walaan. So itong si Chabiris, ewan ko ba kung anong ginawa noong araw na iyon at napunit yong slacks niyang itim. Well, ang dress code nitong si Chabiris ay naka all black sya all week. Sabi niya ay five sets daw iyong damit nya pero I doubt it. Feeling ko isang set lang ang damit nya kasi sabi niya sa akin tamad siyang maglaba. So, mga damit niya ay tambak iyan so minsan wala na siyang underwear dahil sa kanyang katamaran. So feeling ko ang solution ng kanyang katamaran ay ang bumili ng all black na damit kasi it will pass as new kahit na hindi niya ito nalabhan. Wala rin makaka notice kasi nga all black nga naman.
So, tumawag ito sa akin si Chabiris na napunit nga daw ang kanyang slacks. Ang ginawa niya ay inistaple nya ito at nagpapasama sa aking bumili sa baratilyo sa Khobar after office hours. So since ang office naman namin nasa Dharan Road lang malapit sa Habitat, walkathon ang dalawang bakla papuntang baratilyo. Luckily, tapos na ang salat ng makarating kami sa Khobar kaya pasok kaagad kami sa baratilyo. Wala namang preference si Ate Chabiris kundi ang color black slacks so punta kami kaagad sa mga slacks section.
“My friend I need size 42”. Sabi ni Chabiris sa itik na tinder. Medyo napangiti ang itik kasi nga ang laki laki nga naman ni Chabiris.
“Okay you choose your style”. Sabi ng itik.
Ano ba ang pag pipilian kung pareho namang black so nakapili kaagad si Chabiris ng slacks. So pili din sya ng size 42. Sabi ko “Sige na, fit mo na yan”.
Kaso sambat naman nitong itik “Sorry we don’t have fitting room. We’ll just get your measurements”. So kuha itong si itik ng measuring tape.
Nagpigil ng tawa ang itik kasi ang lumabas sa tawas ng measuring tape ay 48 inches. “My dear your waistline is 48”. Ito namang si Mamang Itik stating the obvious pa. Ako naman deadma lang ako at kunyari pili pili ako ng mga slacks at hindi ko kuning kuning narinig ang sinabi ng itik.
“Putah! 48 na pala waistline ko?”. sambat naman ni Chabiris.
“Oh kunin mo na yan nang makauwi na tayo”. sabi ko at dineadma ko na lang kunyari ang nangyari. Ang di niya alam noong naghiwalay na kami update ko na sa aking tweeter account ang funny na nangyari. Siempre, tsinika ko na ito kay Manay Itchu.
Grabe! Who would ever thought na 48 na ang kanyang waistline? Kalokah na da vah? So nang pauwi na kami pa konswelo na lang si bakla at sabi niya sa akin ay “Di bale, dalawang Venus Raj pa rin naman waistline ko. 22 times 2”.
No comments:
Post a Comment