18 April 2011

Ang dalawang bucket na pancit

Nalolokah ako nang mag tsika sa akin si Manay Itchu na last New Year pala na imbitahan niya si Chabiris na kumain sa kanyang bahay.  Nakabakasyon ako noon so wala akong proof kung totoo ang pinagsasabi ni Manay Itchu or Katya Santos (kathang isip) lang ba.   Well, ito na nga, nagluto daw si Manay Itchu ng pancit actually the other night pa daw.  In fairness, hindi pa naman daw mapapanis ang pansit kaya nga tinawag niya si Chabiris at knowing Chabiris na masiba sa pagkain, sugod ito kaagad.  Ayon, sa awa ng Diyos, nilamon daw ni Chabiris ang dalawang bucket ng pancit.  Bucket ng KFC kalaki daw ang sisidlan ha?
Grabe daw ang kain ni Chabiris kasi walang pahingang lamon daw ang ginawa niya.  Lamon talaga literally at naubos nya talaga.  Nang maubos niya ang pancit na dalawang bucket ng KFC, huminga daw ito ng malalim sabay tingin sa kesame ng flat ni Manay Itchu.  Maya maya daw ay nakikigamit na ito ng toilet at nag CR na.
To validate…
So tsika ko naman ito kay Diana Mae Paguntalan, yong isang pa-men ding secretary ng company namin na who happens to know Manay Itchu and Chabiris.  Ayaw maniwala ni Diana Mae Paguntalan na kayang ubusin ni Chabiris ang dalawang bucket na pancit.  Pinatotohanan talaga ito ni Manay Itchu at pinanindigan ang kanyang kwento.

No comments:

Post a Comment

Lifestyle Blogs - BlogCatalog Blog Directory