02 May 2011

William and Kate’s Royal Wedding

Grabe last Friday ang mga bakla hindi lumabas sa bahay kasi tinutukan ang coverage ng BBC1 sa Royal Wedding nina Prince William at Kate Middleton.  In fairness, Gandara Park ang gown ng bride, Prinsesa na Prinsesa ang dating. Kahit hindi man siya ginawaran ng titulo bilang isang Prinsesa, ginawa naman siyang Dukesa.  Kaso wala masyadong arrive ang titulo na Dukesa. Parang masayadong ancient ang titulo.  Well, anong magawa nating mga bakla eh ang Reyna lang ng Englatera ang may K na magbigay ng titulo.  Pero waging wagi naman si Kate sa kanyang napangasawa kahit na panot at pangit ito. 
Korek mga ‘teh! Di maganda tingnan si Prince William kasi panot na ito.  Mas pogi ang kanyang nakakabatang kapatid na si Prince Harry ng Wales.  Hunky pa itong si Harry at machong macho.  Kalokah da vah?  Mas gwapo pa ang kanyang First Runner up kesa sa kanya.
Nakakalokah lang sa Englatera kasi uso ang satellite dish sa mga ulo ng mga babae doon.  Parang lahat na lang tarayan sa satellite dish sa ulo.  Pero walang tatalo kay Victoria Beckham kasi high fashion ang putah!  Pouty lips ang lola nyo sa kanyang mga photo shoot.  Kalokah! Lumi level ang lola mo sa mga royalty.  Ang ating kadugo at kapuso na si Elton John (a.k.a. Mary Evelyn) nakapasok din ang putah!  Super sing along naman ang Prime Minister ng Britanya na si David Cameron. 
Sa totoo lang nakakalokah ang kasal ng mga Royalty.  Ang decoration sa simbahan napaka simple as in naglagay lang sila ng kahoy sa loob ng simbahan at red carpet.  Ang mga flower girls hindi man lang nagsaboy ng bulaklak.  Takot siguro ang taga simbahan na mag vacuum at magwalis pagkatapos ng kasal.  Maganda din ang suot ng Maid of Honor ni Dukesa who happens to be her sisteret. 
Let’s hope na lang na maging happy ending ang fairy tale love affair nila Kuya William at Ate Kate natin.  Naway biyayaan sila ng mga magaganda at gwapong mga supling.  Sana naman ninang na tayo pag nagkataon.  Pwede ba, hindi masama ang mag ilusyon!

No comments:

Post a Comment

Lifestyle Blogs - BlogCatalog Blog Directory