Nang marinig ko itong press release ng Binibining Pilipinas Charties Inc. (BPCI) tumaas hanggang fourth floor ang aking kilay. Una sa lahat, hindi naman quiz bee ang sasalihan ni Shamcey Supsup, hindi naman ito Architectural Board Exam na kaya niyang maging number one at higit sa lahat hindi naman ito school na kaya niyang maging Cum Laude. Gusto ko lang po ipaalala sa mga Matatanda diyan sa BPCI na Miss Universe po ang sasalihan ni Shamcey Supsup, ang pinaka presteheyosong patimpalak kagandahan sa buong sanlibutan.
Malaki ang reservation ko noong kinoronahan ko itong si Shamcey Supsup dahil parang binigay lang ang korona sa kanya kesyo siya ay matalino. Sa history ng Miss Universe pageant, parang wala akong maalala na merong nanalo diyan dahil Cum Laude sila. Iba naman ang case ni Margie Moran kasi nanalo na siya ng Miss Universe at nagbalik aral at doon naging Cum Laude. In the recent years, lalo na nang si Donald Trump na ang nag take over sa pageant, magaganda at mga modelo na ang kanilang kinukuha. Malaki na rin ang emphasis na binigay nila sa photo shoot ng mga delegada. Sa finals night naman, ang catwalk skills ang kanilang pinagbabasehan. To name the few, si Riyo Mori ng Japan ay magaling sa Catwalk at maganda ang register niya sa Camera. Kahit anong pinapabihis sa kanya maganda ang arrive. Kaya nga maliit na lang ang weight na binibigay nila sa Q&A ngayon. Noon kasi dahil more ang emphasis na binigay nila sa Q&A, mga pangit ang nananalo. To name the few ugly winners ay si Mexico (1991), Namibia (1992), India (1994), USA (1995), USA (1997), Trinidad & Tobago (1998), Botswana (1999).
Noong nag reformat ang Miss Universe simula sa taong 2002 doon na nakoronahan ang mga magaganda simula kay Russia (dethroned 2002), Panama (Ascended 2002), Australia (2004), Canada (2005), Japan (2007), Venezuela (2008), Venezuela (2009).
So photoshoot, hindi masyadong maganda ang register ni Shamcey Supsup. Kung sa looks lang mas striking pa si Togonon kasi exotic beauty. Hindi rin maganda ang kanyang katawan kasi hindi naman ito toned. At for sure kung may Q&A lang, wish niya lang makarating sya sa Interview Competition round. Ipaalala ko lang po sa mga matatanda na organizer ng Binibining Pilipinas na ang Top 5 lang po ang nakakarating sa Interview Competition. Kung backstroke ka, wala kang K umabot sa final round.
Sana naman hindi gagaya si Shamcey Supsup sa kanyang predecessor na Cum Laude din ng UP na backstage beauty sa Miss Universe na si Andam at Licaros. Wag niya rin sanang gayahin si Licaros na gustong kasohan ang mga nag ookray sa kanyang mga bakla sa internet. Free country kaya tayo kaya sinong may sabi na lahat ng nang ookray sa kanya ay pwede niyang kasohan? Kalokah! Loser kaya siya. I’ve seen Licaros execution of her Swimsuit Round at nalokah ako mga ‘teh’ kasi mas magaling pa ang mga Miss Gay Barangay San Isidro contestant rumampa kesa sa kanya. Para siyang may tae sa puwet mga ‘teh’ kung lumakad. Nakakalokah siya talaga. no wonder, Cum Laude ng UP, backstroke sa Miss Universe.
So yon na nga ang precedent eh, ilang UP Graduates at may mga Laude Laude na titulo na ba ang pinadala ng Binibinining Pilipinas Charieties Inc. sa International Competition na luhaan lang? Andam, Licaros at Alagao to name the few. Kasi nga may wrong notions ang ating mga judges. Dapat kasi catwalk skills, maganda ang register sa editorial shots nila at less na lang sa academic credentials ang basihan. For goodness sake, Miss Universe po ang sasalihan nila at hindi Quiz Bee!
No comments:
Post a Comment